Nineteen

Nineteen. Ito na siguro ang pinakahuling numero na matatawag mong teen ang isang teenager. Kapag teenager ka, inaasahan ng lahat na nagkaroon ka na ng kahit isang relasyon sa iyong opposite sex. Ngunit sa sitwasyon ko, hindi ko masasabi na nagkaroon na ako ng isang seryosong relasyon sa isang lalaki. Kaibigan, oo. Boyfriend, hindi. Maaring isa nga akong NBSB (No Boyfriend Since Birth) pero dito lang ba nasusukat ang pagka-teen ng isang tao?

 

Siguro, isa na sa mga dahilan kung bakit hindi pa ako nagkaka-boyfriend ay dahil strikto ang mga magulang ko. Overprotective sila lalo na ang papa ko. Siguro ay takot lang ako na suwayin ang mga kagustuhan nila kaya ganito ako ngayon. Ngunit sa tingin ko ay hindi lang naman ito ang dahilan. Hindi kasi ako masyadong nakikihalubilo sa ibang tao kaya siguro pwede kong sabihin na socially awkward ako. Hindi naman ako tulad ng mga loner sa tabi-tabi. Hindi naman forever alone ang peg ko. Sa tuwing may jamming ang barkada, kadalasan ay hindi ako sumasama. Ako kasi ang tipo ng tao na mas pipiliin pa ang magbasa ng libro kaysa sa sumama sa mga kaibigan at magsaya. Ayoko ng madaming tao. Minsan naman ay tila may sarili akong mundo at ayaw kong papasukin ang ibang tao dito. Ngunit tama na sa salitang siguro. Ang masasabi ko na lang ay, ito rin naman ay kagustuhan ko.

 

Masasabi ko na masaya ako kahit wala akong boyfriend pero minsan ay malungkot din. Kapag nakikita ko ang mga barkada ko kasama ang mga boyfriend or girlfriend nila hindi ko maiiwasan na mainggit. Hindi naman ako manhid para hindi man lang makaramdam ng kahit ano. Nabanggit ko ang salitang manhid. Siguro ay manhid ako. Low gets pa kung idadagdag mo. Pero hindi ko naman maitatanggi ito dahil sa tuwing may mga lalaking sweet sakin, ang iniisip ko ay super friendly lang sila at wala silang gusto sa akin. Hindi kasi ako marunong magbasa kung ang isang lalaki ay may gusto sa akin o wala. Hirap ako pagdating sa mga sitwasyon na ganito. Mas gugustuhin ko pa kasi ang straightforward kaysa paligoy-ligoy. Sabi nga ng iba ay torpe magnet daw ako. Naranasan ko na din noon ang tanungin ng mga lalaki kung pwede daw manligaw sa akin. Pero tinatawanan ko lang sila dahil hindi ko alam kung ito ay totoo. Mahirap kasing sabihin kung nagbibiro ang isang tao o totoo na pala ang mga sinasabi nila. Kung minsan ay naiisip ko din magkaroon ng lihim na relasyon pero napag isip-isip ko na wala akong mapapala kung gagawin ko ito. Kung magkakaroon man ako ng relasyon ayaw ko ng patago. Mas gusto ko ang alam ng lahat para walang problema.

 

Tulad ng iba, meron din akong dream guy. Pero alam kong wala naman talagang kwenta ang isang listahan ng mga gusto ko sa isang lalaki dahil hindi ko alam kung sino talaga ang nakalaan para sa akin. Yuck! Nagiging cheesy ako. Ngunit isa sa pinakagusto kong gawin para sa akin ng isang lalaki ay umawit siya sa harap ng madaming tao at ialay ang kantang aawitin niya para sa akin. Gusto ko din namang magkaroon ng soulmate. Pero hindi nga lang siguro ngayon kaya kailangan ko pang maghintay at sana it’ll be worth the wait.

 

Ika nga sa Dear No One na inawit ni Tori Kelly:

 

“So if you’re out there, I’ll swear to be good to you. But I’m done looking for my future someone. Cos’ when the time is right you’ll be here but for now, Dear no one, this is your love song.”

 

Pero hindi ito isang love song. Hahaha. Peace! 🙂

What Would You Do?

For the Boys,

 

What would you do when a girl confessed to you that she likes you?

Would you be taken aback?

Would you run away?

Would you tell her that you like her too even if you really don’t feel the same way?

Or would you be that person to sincerely tell her that you feel the same way too?

It’s something to think about.

 

For the Girls,

 

What would you do when a boy confessed to you that he likes you?

Would you be confused about what that LIKE really means?

Would you feel awkward and stop having conversations with him?

Or are you the type of girl to just laugh it off as if you heard it as a joke?

Or would you be the person to tell him let’s give it a try?

It’s something to ponder about, huh?

 

Seriously?

What am I saying?

It’s like I’m traipsing.

 

Just random thoughts on my mind.

Nothing hurts right?

=)